Mga Pahina

Sunday, March 8, 2009

Habang Atin Ang Gabi

Ang daming taong pumunta ng MOA. Hindi ko alam kung bakit, pero ang haba ng pila na dati naman ay wala. Dun ko lang naisip na Eheads concert nga pala.

Wala naman akong balak sumama. Hindi naman ako ganun ka-fan. Kaya kung naging masaya ang mga tao sa concert na yon, mas masaya kami.

Nang gabing iyon, sampung kalalakihan ang nagbubunyi matapos makapaglaro sa basketball court ng PAC. Puro tawanan at kalokohan ang laro na dalawang linggong naudlot dahil sa kung sino-sinong tao. Pero nung gabing iyon, sa amin ang gabi.

Nagpapawis. Nagpatakbo-takbo. Nagpatalbogtalbog ng bola. Nanghagis ng ilang bola na hindi naman pumasok. Tapos tatawa nalang. Napakasaya. Walang seryosohan, laro-laro lang.

Maraming salamat at nakalaro na tayo sana next time ganun ulit. Tayo-tayo lang.

Ito yung ilang moments bago ang laro... Ayos... ehehehe....
http://vinzmatias.multiply.com/photos/album/123/Basketbol?replies_read=12

4 comments:

  1. mukhang masaya nga nun... astig ng pics ni kuya vinz e

    ReplyDelete
  2. masaya nga... yun nga lang wala ako nung pictorial... huhuhuh... di bale there's always a next time...

    ReplyDelete