DECEPTION
“What is a word made up of 4 letters yet is also made up of 3. Although is written with 8 letters, and then with 4. Rarely consists of 6, and never is written with 5.”
Madalas madali tayong naloloko. Deception is all around us.
Hindi natin napapansin pero nakukulong pala tayo sa mga maling paniniwala or
maling pananaw sa buhay.
Isang motto na narinig ko minsan sa internet mula sa ilang
kabataan ang salitang YOLO. Isa itong acronym na ang ibig sabihin ay You Only
Live Once. Isang beses ka lang mabubuhay. Minsan ginagawa itong excuse ng mga
kabataan na gumawa ng mga kung anu-anong bagay. YOLO so I’ll drink. YOLO so
let’s party. YOLO so I’ll try drugs, rock and roll. YOLO. Yan ang nangyayari sa
mundo and I think everyone is familiar with it.
Maaaring totoo. Galing ako sa patay the other day and
whenever that happens, napapaisip tayo kung gaano kaikli ang buhay. Gaano
kabilis kung minsan ang buhay. YOLO. Maari nga na maikli lang ang buhay at
kapag tayo ay namatay, hindi titigil ang mundo para sa atin even the people
that we love will move on from the loss. Pero hindi ibig sabihin nito ay may
excuse na tayo para gawin ang lahat ng gusto natin sa buhay. Instead, we should
strive to make our lives meaningful by influencing other lives. Making the most
out of our time by showing other people the clear path to Jesus feet. YOLO!
Now, going back to our little puzzle here.
We are being placed into a mindset that this is a question.
Pinapaisip ka na may hinahanap kang salita. Pero kung aalalalahanin natin na
kapag nagtatanong, may question mark. Kapag period, statement.
There fore,
“WHAT is a word made up of 4 letters, YET is also made up of 3. ALTHOUGH is written with 8 letters, and THEN with 4. RARELY consists of 6, and NEVER is written with 5.”
Ayos no?
The point is, kung paano kayo naloko or nauto ng statements
na ito, ganun din tayo niloloko ng ating kaaway. Sometimes, our minds play
tricks on us. Our minds are cruel. We are always trapped in a frame of mind
that we cannot escape. For example, maglalaro tayo, ang mahuli magsspecial
number mamayang AY.
Ibig sabihin ba nun, karera ang laro natin?
No. Not necessarily. Minsan napapaisip tayo na ganun, kasi
ayaw natin magspecial number. But what if the prize goes to the one who comes
in last? Hindi ba’t mas masaya o mas nakakagaan ng pakiramdam yung marinig mo
na yung isang tao na kay tagal tagal nang nag-aaral ng Bibliya, kay tagal tagal
nang nakikinig sa turo, ay finally nagdecide na tanggapin si Jesus?
Sometimes the deception comes from our mindset. We are
deceived by ourselves. Remember brothers and sisters, I know everyone knows
which is of the world and not of the world, but the enemy tries deceives us
even as we sit in church or do church activities.
Most of the time, we are trapped in doing just the motions
of church service. First going to church, then listening to the sermon, then
joining the potluck, then attending AY, finally go home. We think that after
all of this, everything is fine. We are assured of eternal life. Sige, tapos
magdedevotional tayo in the morning tapos in the evening or afternoon. Ang goal minsan ng iba, matapos ang buong
Bible. Wala naming masama sa ganun. Actually, ineencourage pa nga ito. But we
are so keen on doing these things. Masyado tayong nastuck sa ganito. Minsan ba
naisip na ba natin kung lumalago tayo? Naisip na ba natin kung sa pagbasa natin
ng Bible from cover to cover, nagbago ba ang buhay natin? Mas nakilala ba natin
si Kristo?
“If anyone among you thinks he is religious, and does not bridle his tongue but deceives his own heart, this one’s religionis useless.” James 1:26
Tama ang sumimba. Tama ang mangilin ng Sabado. Tama lahat
yun. Pero kung hindi tayo magbabago, mananatili lang tayong umiikot sa tsubibo.
No comments:
Post a Comment