Mga Pahina

Sunday, November 11, 2012

The Third Option Pt. 3: Deliverance (Final)


DELIVERANCE
Hindi na bago sa atin ito. Pero kasi, kailangan nating pukawin ang ating mga sarili, kasi tama man ang paniniwala at nalalaman natin, ang ginagawa naman natin mali. Minsan naman, tama ang ginagawa natin pero ang nalalaman natin kulang. Ibig sabihin, mali pa rin ang mindset natin kasi hindi nababago an gating ginagawa at hindi nadadagdagan ang ating nalalaman kay Kristo. Bakit parang ang hirap takasan?
James 4:1-3 says
“What causes quarrels and what causes fights among you? Is it not this, that your passions are at war within you? You desire and do not have, so you murder. You covet and cannot obtain, so you fight and quarrel. You do not have, because you do not ask. You ask and do not receive, because you ask wrongly, to spend it on your passions.

So unang gawin magtanong. Ask the right questions. Kung ang hihingiin natin ay Lord, gawin niyo po akong mabuti. Hindi ba parang malabo yun? Kung ang itatanong natin ay Lord ipakita niyo po yung daan para masunod ko kayo. Hindi ba parang may mali dun?

Ask God to revive our interest in Christ and it will lead us to live a better life. Kung pipiliin natin na pag-aralan at iappreciate si Jesus, mapapansin natin na ang maiisip natin ay puro kabutihan sa kapwa. Ang magiging mindset natin aypag-ibig. Ang pag-sunod sa batas ay parang magiging automatic.

Pangalawa, don’t make Christ a priority. I heard this message once that Christ shouldn’t be our priority. Sabi dun, hindi mo dapat nilalagay si Christ as a part of your priority. Blasphemy kung iisipin pero ang punto talaga, hindi dapat napapasama si Christ sa priority list mo sa mundo. Hindi maihahanay si Christ sa pamilya, sa trabaho at sa kaibigan. Christ is a category of His own. He should be your life.
Colossians 3:3-4
“ For you died, and your life is hidden with Christ in God.When Christ who is our life appears, then you also will appear with Him in glory.”

Siya dapat ang buhay mo. Meaning to say, kung magbabasa ka ng Bible, isipin mo nasan si Christ dito? Kung magtatrabaho ka, iisipin mo, nasaan si Christ dito? Ano ang nilalaman ng bawat prayer ko? Siya ba ang nasa puso ko? Ingat tayo mga kapatid, madalas madaling sabihin yun, pero mahirap gawin.

Assimilate. According kay Jean Piaget, Assimilation is the cognitive process of fitting new information into existing cognitive schemas, perceptions, and understanding. Nose bleed no? Ibig sabihin, kung may bago kang nalalaman, matuto kang idagdag ito sa nalalaman mo na. Halimbawa, kung nalaman mo na ganito si Kristo, ano ang kinalaman nito sa commandments na alam ko? Ano ang kinalaman nito sa psalm na kabisado ko?

Third, reform your ways. Naisip na natin kung sino si Kristo. Napili na natin siya. Ngayon isipin natin, ano ang mas maiging gawin para mas mapalapit sa kanya. Dito na papasok an gating devotional. Dito na papasok ang pag-aaral ng Bible, ang prayer.
Do not lie to one another, since you have put off the old man with his deeds, and have put on the new man who is renewed in knowledge according to the image of Him who created him, 11 where there is neither Greek nor Jew, circumcised nor uncircumcised, barbarian, Scythian, slave norfree, but Christ is all and in all.
Colossians 3:9-11

Pero hindi lang basta Bible. Hindi lang basta prayer. Pakawalan natin ang isipan natin. Baguhin natin ang ating bukambibig. Baguhin natin ang ating ginagawa. Dapat, sa bawat bukas ng Bibliya, sa bawat panalangin, lumalago tayo. Unti unti. Hindi biglaan. Minsan kasi minamadali natin ang ating mga sarili. Tandaan, hindi ito karera. Hindi tsetsekan ni God kung sino ang may pinakamaraming nabaptize o sino ang may pinakamaraming nabigyan ng Bible study. Hindi rin puntos ang may pinakamaraming pinagdasal. Ang may pinakamalaking puntos kung sino ang may nabago sa sarili niya.

Accomodation according again to Jean Piaget is incorporating what you have learned to your daily life. Christ never pointed out the wrong beliefs openly. Hindi niya sinabihan na bawal yan Mary. O kaya wag yan ang sabihin mo Peter! Ano bang ginawa niya? Nagpatawad, nagpagaling ng sakit, at umibig. Patawarin natin an gating mga sarili, then move on. Patawarin ang mga kapwang hindi nakakaintindi, then move on.
Finally, practice love. There’s this thing called muscle memory. Ang utak natin sa sobrang galing, kaya niyang alalahanin ang ating mga galaw. One example, sa pagsasalita, kapag binulungan kita ng “God is love.” Kayang kaya mo ulitin kasi naalala ng utak mo kung ano ang mga masel na kailangan masabi ito. Naalala mo kung saan ang /g/ /o/ /d/ /i//s//l/ /o/ at /v/ para mabigkas mo ang buong sentence. Ngayon kung makita mo rin, pareho ang principle.

Ergo, we can train our muscles to say the right words and do the right actions. In the same manner, we can get away from the right mindset by thinking about Christ. We can train ourselves by approaching people of the world the way Christ approached them. We can train ourselves by approaching our brothers and sisters na nawawala by the way Christ approached them.

But above all these things put on love, which is the bond of perfection. And let the peace of God rule in your hearts, to which also you were called in one body; and be thankful. Let the word of Christ dwell in you richly in all wisdom, teaching and admonishing one another in psalms and hymns and spiritual songs, singing with grace in your hearts to the Lord. 
Colossians 3:14-16

Let us deliver ourselves from the bondage of a wrong perspective. Alisin natin ang nagtatalong kaisipan. Sa halip, isipin natin na may pangatlong choice na makakapagbalanse sa lahat.

Isipin natin ito ng mabuti ang mga bagay bagay. Break away from that mindset because you only live once. YOLO.

No comments:

Post a Comment