Mga Pahina

Sunday, November 11, 2012

The Third Option Pt. 2: Decision


DECISION
Dahil dito mga kapatid, kailangan nating magdesisyon. Do you want to stay in this mode of going round and round without making any change in your life or do you want a radical change that will make you live better, see the world better. To make the right decisions, we need to have the proper mindset. Remember, YOLO.

Sa una, iisipin mo, gusto kong mapabuti, so dapat pag-aaralan natin yung mga doctrines. Pag-aaralan natin yung ten commandments, mga health principles, etc.

Pero pansinin natin kung saan patungo ang kaisipang ganito. We are looking at laws, principles, precepts, that are actually good and are given by God. Binigay ito sa tao para sundin.

Pero mahirap ito sundin. Sino ba dito ang nakakaalam na masama ang magsinungaling? Pero sino dito ang hindi nagsinungaling sa tanan ng buhay niya?

 Mahirap sundin kung yun lang ang nasa isip natin. Mahirap sundin kung ipinagpipilitan natin sa sarili natin at sa ibang tao. Nangyari na yan before, don’t put ourselves in the same shoes as the people who came before us. YOLO so choose to take ourselves away from the wrong mindset.

First example is Saul. Mas nagfocus siya sa offering kaysa sa pagsunod. Ang sabi sa kanya ni Samuel, lipulin lahat walang ititira kahit ano. Anong ginawa niya? Kinuha niya ang mga tupa at mga baka, inoffer niya sa Panginoon. Naisip niya, eto ay para sa Panginoon. Pero hindi siya sumunod sa utos. Ang sabi walang ititira.

Second examples are the Israelites. Naisip nila na eto ang batas, kailangan nating sundin ang Diyos kasi si Saul nagkamali dun. So sasabihin natin sa lahat na ito dapat ang gawin, kapag Sabbath, bawal ang magbiyahe, bawal ang magbuhat ng ganito kabigat. Bawal ito, bawal yan.

See anything similar?

Both decided differently. Sacrifice or Law? Serving the church or following what is right and wrong. Walang mali sa pareho, pero both missed the whole point of God. Tayo rin ganun. Minsan naglalaban sa isip natin ang pagsunod sa batas at pagbibigay ng serbisyo. Madalas ang focus natin yung mga bawal. Madalas naman ang focus nandun sa mga dapat gawin. Ang nakikita lang natin dalawang options pero may pangatlo na makakapagpadali sa lahat.

Hindi ko alam kung saan kayo dito.

Pero para maalis sa atin ang kaisipang ito, we need to focus on Christ. Hindi na bago ito sa inyo right? Tandaan natin na ang Bibliya ay nakapalibot hindi sa batas, hindi sa tama o mali, hindi sa paggawa sa simbahan. Ang Bibliya ay kwento ni Kristo. Jesus Christ is the center of the Bible. He is the whole point of Christianity. He is the whole point of our lives. He is the reason why we need to revive ourselves and reform our ways.

No comments:

Post a Comment