Mga Pahina

Monday, May 12, 2008

Isang Linggo

Isang linggo akong walang magawa,

Nakadungaw lamang sa bintana,

Magdamag na lang nakatunganga

At inuubos ang oras sa wala.

 

Sa isang linggo aking napagtanto,

Kung ako’y lagi na lang ganito,

Marahil ay hindi na isang milagro

Kung katawa’y tuluyang lumobo.

 

Buong isang linggo ring naisipan

Magtrabaho, umasikaso nang minsan

Ngunit gawai’y tanging pinagmasdan

Nang muling maghari ang katamaran.

 

Isang linggo nga ba’y nauwi sa wala,

Teka nga muna, hindi naman yata,

‘Pagkat aking kwarto ay sinala

Nang dumi’y maglaho parang bula.

 

At di rin ba iyon ang isang linggo,

Kung saan isang panulat ay kinuha ko,

Gayundin ang isang lumang kwaderno

At aking nalikha ang abang tulang ito.

4 comments:

  1. Aba't galing ng pagkakagawa ng tulang ito, Kuya Worthy! :) Di nasayang yung isang linggo mo dahil nakagpagsulat ka ng tulang tulad nito. Hehe.

    ReplyDelete
  2. dude... if you're that bored, then write stories for our challenge..

    ReplyDelete
  3. tsk tsk tsk... sabi na eh yun ang magiging reaction mo... don't worry I've been scribbling around... wala pa nga lang natatapos kasi mabilis magbago utak ko... ehehehe

    ReplyDelete
  4. hahaha.. ako rin nga. i almost had one... kaso wala kuryente at lowbat yung laptop ko so hindi ko natype agad... ngayon ewan ko na. hahaha

    ReplyDelete